Wednesday, November 12, 2008

A Woman of Intellect

I’ve known our pastor…female pastor, for almost fives months now. The first time I learned that she is replacing our pastor gave me sad thoughts…I will miss our pastor. What will it be like having to listen to a new pastor who is suddenly taking the place of our pastor of nine years… what will it be like trying to get use of listening to somebody with soft voice when everybody got used of listening to a pastor who can talk with power and might. you see, our used-to-be pastor has a commanding presence in the pulpit…you know…tall, good looking, pleasant, with a happy disposition and most especially almost my age… he is in his 40’s. No I am not over rating him…that is how I see him. For me he is an epitome of strength and conviction. Then came our new pastor…my first impression…an embodiment of intellect and knowledge. She talks with exactness and tact…soft spoken and yet her words leave marks in the heart…a woman of intellect but does not intellectualize messages she convey. A woman of substance… a messenger of God, indeed…
Note: I won’t give the name of our pastor because she might not like it…but I hope she knows who she is.

The Other Half of Me

he loves to eat… i love to cook.
he is a man of few words…i am a woman with a lot.
he minds the train of our lives while i train the minds of our sons.
he likes foreign action movies…action movies are foreign to me.
he doesn’t like tagalog movies but he enjoys watching them with me.
he always sees the best in me…i will always love even the worse in him.
I love you very much…my dear husband…the other half of me!

Our Cookies...Our Struggles

Some want them crispy, some want them chewy. Some may prefer those that are crispy on the outside but chewy on the inside. Still, others prefer a cookie with lots of spices and nuts. Sometimes we feel glad when they are presented to us beautifully wrapped in colorful papers or snugly concealed in a box to protect their shapes from being disturbed. At times, they don’t look good at all but once you take a bite on one of them, delectable filling oozes out from it. But, no matter what kind of cookies are given to us, we just chew them until nothing is left in the box. Sometimes, we may not like them at all but we like to try and get done with them all at ones. Our struggles are the cookies in our life. So enjoy your cookies and manage them well.

Ang Kabayo sa Hood ng Sarao-

Ang kabayo sa hood ng sarao na jeep... actually, ang Sarao ay isang tanging ngalan ng klase ng jeepney na gawa ng Sarao Motors. Custom made ito at may humigit kumulang sa 2 metro ang haba. Isa itong makulay na sasakyan na napapalamutian ng mga kung ano-ano kasama na nga ang kabayong 'di tumatakbo sa hood nito. Ito ang pumalit sa mga jeep na gawa ng mga kano nuong unang anahon. Kaya lang nagsara na ang kumpanya ng Sarao Motors nuong 2001. Pero okay lang, naging household name naman ang salitang sarao.

Bata pa ko sanay na ko sumakay ng sarao...madalas nakakalong ako sa ate o kuya namin,pag konti ang pasahero o kung may sobrang pera ang mga utol ko pwede akong umupo. Kaming anim na magkakapatid ay nabuhay na bahagi ang sasakyang 'to. Syempre, 'di naman afford bumili ng kahit man lang owner ng tatang namin. Biro mo, 5 kaming ginapang ng magulang namin para lang makapag-aral sa private school, sa Holy Angel College na university na ngayon. Yun nga palang tatang namin, dating employed ng mga kano sa Clark Air Base. Kaya lang, nabalitaan niya na may scholarship grant sa mga anak ng mga empleyado sa HAU kung kaya bigla siyang nag goodbye sa kanila at mas pinili niyang magbutingting ng mga typewriter sa mga opisina ng HAU na pag-aari ng mga Nepomuceno. Ayun, sikat kami bigla sa neighborhood. Biro mo sa lahat ng mga bata sa lugar namin, kami lang ang nakauniporme kulay abo ng sikat na private school.



Kasabay ng pagiging astig ng foundation namin sa edukasyon ay ang konting sakripisyo naming magkakapatid. Minsan, sa sobrang kulang ng budget namin, di na kami nakakasakay sa sarao na may kabayo sa hood. Naglalakad lang kami papuntang HAU. Uumpisahan namin yun sa crossing (malapit yun sa pwesto ni Aling Lucing Sisig) hanggang sa makarating kami sa eskwelahan. Nuong grade school na ko, nakabili ng bike ung tatang namin. Yung playboy style na tinatawag. Madalas pinagpipilitan namin ng isa kong kapatid na pagkasyahin ang mga puwet namin sa napakaliit na space ng bisikletang yun para maklibre kami ng pamasahe. Ginagawa namin un pag close to payday na at di na kayang i-stretch ng ima namin ang budget sa bahay.Naalala ko pa nung first time naming umangkas sa bisikleta ng tatang namin. Sa sobrang sakit ng katawan namin ng utol ko 'di kami nakapasok kinahapunan sa eskwela.Isa pang sakripisyo na ginawa namin ay ang pakikisama sa mga kaklase namin na medyo may kaya sa buhay. Syempre, private school ang HAU kung kaya ang mga gaya namin na nagpipilit na taasan ang balor namin sa pamamagitan ng magandang edukasyon eh, nahihirapan makiblend. Sa unang tingin, "others" ka dahil sa suot mong kupas na uniporme o school bag mo na 'di uso. kahit kasi bata pa ko uso na ung bullying. Pero pag tumagatagal na di mo na papansinin yun kasi kahit ikaw 'di ka na nila papansinin. Yung kapatid ko, okay lang yun kasi marunong sa klase yun. Ako, marunong din ako pero mas affected ako dahil pikon nga ako.
Mabalik pala tayo sa sarao na jeep...di nagtagal, napansin ko na unti-unting dumadami ang dating nag-iisang kabayo sa hood ng sarao. Sa sobrang dami minsan nila ay halos mapuno ang hood. Kung medyo maarte pa ang driver nito lalagyan pa niya ng ribbon na gawa sa plastic na nililipad lipad pa ng hangin habang paspas ito sa pagtakbo dahil sa pakikipag-agawan n'ya ng pasahero. King of the Road, ika nga. Nung mag high school na 'ko, pinalad akong makapag-aral sa Maynila. Kasabay ng pag-asenso ng utak ko sa maraming bagay ay ang lalong pagdami ng palamuti ng sarao. Kung dati ay kelangan mong ikatok ang piso mo sa bubong nito ay di na kelangan dahil bigla na lang naimbento ang tali na siya mong hihilahin pag pumara ka. Kelangan mo talaga ng buzzer na yon para marinig ka ng driver na sweet lover dahil super lakas ang stereo niya na walang sawa sa pagdagundong. Sabi nga nila, necessity is the mother of invention.Sa sobrang lakas ng stereo niya ay di na tuloy makapagpalipad hangin ang mga binata sa mga kasakay nilang dalaga.At sa sobrang lakas din ng stereo di ka na pwedeng matulog kahit isang oras pa ang layo mo sa bababaan mo.

Marami akong naging experience sa pagsakay ko sa sarao, lalo na nung high school ako. Mga karanasan na nakakahiya, nakakatakot at higit sa lahat nakakadismaya. Unahin natin ang nakakadismaya. Isang araw, may nakasakay akong isang nanay na may bitbit na anak. Masaya silang kumakain ng nilagang mais. Sa sobrang saya nga nila, di napapansin ni nanay na nagsasabitan na ang mga mumunting butil ng mais sa mukha niya. Nangingiti-ngiti ako dahil nakisasali na rin ako sa kaligayahan nila. Maya-maya napalitan ng ismid at simangot ang konting ngiti na nakapinta sa mukha ko. Bakit? Aba, si nanay, pagkatapos nilang maging masaya buong ingat niyang ibinalot sa plastic ang balat at busal ng mais at buong ningning niyang itinapon na lang basta sa labas ng sarao. Ayun, di bale ng madumi sa daan basta malinis lang sa sarao. Ang pangalawa ay ang nakakatakot at nakahiyang pangyayari. Di ko nga alam kung dapat ko pang ikwento ito o hindi na. Isang araw may nakatabi ako sa sarao na may kabayo nga sa hood, ng isang mamang payat na maputi. Sa sobrang dami ng mga pasahero ay halos maamoy ko ang hininga niya. Kasabay ng pag alog namin sa sarao ay ang pagkapa niya sa may zipper ng uniporme ko. Ewan ko ba kung bakit ang zipper ng palda sa high school ay nasa left side. Sana pinaaral na lang nila ko sa OBMontessori para at least nasa likod ang zipper ng palda ko. At pwede pa kong mag denim pants pag LT time or dengue alert. Pero mabalik tayo sa mamang payat na maputi. Nag - enjoy yata sa pagbukas ng zipper ko at kinapakapa pa pati tela ng suot kong shorts sa loob ng palda ko na may zipper sa side. Ako naman, shocked. Pag katorse anyos ka kasi di ka pa marunong ng eskandalo. Gusto ko man siyang murahin pero di ko nagawa. Buti na lang at bago pa nalaman ng mamang payat na maputi ang color ng shorts ko ay nakarating na ang sarao sa may lerma...dali dali akong bumaba at dinagger look ko pa si mamang payat na maputi... pero ang tanong, may silbi pa kaya yon? Ang pangatlong karanasan ay medyo nakakainip. Isang hapon sa may Espana, inabutan kami ng flashflood ng kaklase kong taga Murphy dahil sa malakas na ulan. Gustuhin man naming sumakay ng sarao ay 'di pwede dahil dagsa ang pasahero. Inabutan kami ng gabi sa daan, mga lampas alas diyes siguro. Hanggang sa napilitan na lang kaming magtaxi hanggang Cubao. Naghiwalay kami sa Cubao. Siya papunta sa kanila, ako sa amin. Salamat sa Diyos at may nakapila pang color coded na sarao papunta sa amin. Salamat sa sarao na may kabayo sa hood at 'di ako umabot ng hatinggabi sa daan...lampas ng alas onse lang ng gabi.

Mabalik uli tayo sa kabayo sa hood ng sarao? Saan ba gawa ito? Sa bakal ba o aluminyo? Bakit Kabayo ang napiling palamuti sa hood ng sarao? Bakit 'di na lang si Batman para at least, makakalipad siya 'pag matraffic. O kaya si Dyesebel na lang para makalangoy siya pag baha. Bakit nga ba kabayo? Dahil ba sa kasingbilis ng kabayo ang sarao o dahil kasing - astig nito ang kabayo?

Ang Barbekyuhan sa Crossing


Ang kwento ko ay iikot sa Crossing, lugar kung saan nauso ang sisig ni Aling Lucing (+)... Isang lugar sa Angeles City na sakop ng Bgy.Recto ba o Agapito del Rosario. Noong bata pa ko, mga trese anyos pa lamang ako, nagkaroon ako ng pagkakataon na makasalamuha ang mga tao sa Crossing...kung sa anong dahilan ay di na importante yon. Crossing...isang lugar na kung saan nauso ang inuman ng pale pilsen ng san miguel beer. Kadalasan ang beer na ito ay tineternuhan ng inihaw na manok o barbekyung manuk sa kapampangan.'Di kaya naman inihaw na tenga ng baboy, leeg,puwet o atay ng manok, at kung ano-ano pa. Hindi pa uso ang sisig ng mga panahon na yon...pero darating din tayo don... di pa rin uso ang mga home along the riles dahil masiglang - masigla pa ang PNR nuon.Nasa pagitan ng taong 76 hanggang 78. Tanda ko ang mayor, si Lazatin. Hindi si Tarzan (kongresman ng first district of Pampanga)...yung tatay niya na lolo sa tuhod ng dati kong estudyante.Wala pang lisensya anng pagtinda ng beer nuon sa crossing. Ang buong hilera ng mga nagbabarbekyu sa lugar na yon ay hinuhuli ng mga taga city hall...Nuon ko nakita sa pangalawang pagkakataon si Tatang Peleng Lazatin.Siya mismo ang nagmomonitor ng mga tindahan sa crossing pagkatapos siguro niyang manghuli ng sidewalk vendor sa palengke. Tinintingnan niya kung di ba lumalabag sa batas ang mga nagtitinda ng barbekyung manuk. Kaso, matatalino ang mga may-ari ng barbekyuhan. Isa si Aling Lucing sa mga yon. Ang ginawa niya, bumili siya ng napakaraming tall plastic tumblers at duon niya sinerve ang beer. Para nga naman hindi obvious na nagtitinda siya ng beer kahit wala siyang lisensiya. Buong akala ng mga tindera duon magogoyo nila si Tatang Peleng kaso di hamak namang mas matalino ang mayor kesa sa kanila. Isang gabing nagronda si mayor, lumapit siya sa customer at inamoy niya ang laman ng plastic na tumbler...nuon ako nakakita ng nagtutumbahang ihawan dahil sa lakas ng sipa ni Tatang Peleng. 'Di naman nagtagal at kumuha na rin ng lisensya ang mga nagtitinda ng beer. Siguro napagod na rin sila sa kaka hide and seek kay mayor. Dumaan ang mga araw na nagsawa na sa kakapulutan ng barbekyung manuk ang mga tao. Ewan ko ba kung pano pumasok sa isip ng mga kampon ng mga nagbababerbekyu at naisip nilang maging adventurous sa pagluluto nila.

Ang impresyon ng mga mamamayang Pilipino, si Aling Lucing o Apung Lucing ang unang nagpauso ng sisig... wrong! Isa lang siya sa mga nagpauso sa pagkaing yon. Paano naman si Apung Kadok Dinio na asawa ni atsing Beth? Naaalala ko na unang sinubukan ni Apung Kadok (lalaki po siya) na gawing sisig ang tenga ng baboy. Pagkatapos niyang hiwain ng bite size ang almost gelatinous sa lambot na tenga hinahaluan niya ito ng suka, paminta, asin, at sibuyas. Wala pang sizzling plate nuon. Simpleng sisig lang okay na. And the rest is history, sabi nga nila. Pero sana, sa mga nababasa kong history ng sisig sa crossing, isali naman si Apung Kadok Dinio. Sabagay di na makapagreklamo yung tao dahil maaga kasing pumanaw...naheart attack yata.Bago pa man nagboom ang Crossing, binawian na ng buhay ang pobreng tao.'Di na nagkaroon ng pagkakataon yung tao na maexplore ang lahat ng possibilities ng sisig. Diyan papasok ang galing ni Apung Lucing. Nauso naman niya ang pagserve ng sisig sa sizzling plate (feeling ko siya lang ang may kakayahang makabili ng sizzling plate). Naisipan din niyang samahan ng inihaw na atay ng manok at gawing pisngi ng baboy ang sisig (oo nga naman, mas marami ang yield at mas malaman ang pisngi kesa sa tenga). Sa pagkakataong ito, nakisabay naman sina Atsing Fely (na asawa ni kong Arthur na may dalawang anak na magandang dalaga) at Apung Naty na hipag ni Atsing Afric (siyanga pala, una munang nakapangalan kay Atsing Afric ang pwesto ni Aling Naty. Nuong kalaunan pinalitan na lang ito na Aling Naty). Kaya lang naunang huminto sa pagtitinda si Atsing Fely. Kung bakit, di ko alam.
Nuong magcollege na kami ng kapatid ko, sa HAU na ko nag-aral. Sa hirap ng buhay nuon, naghanap ng pwesto sa may harapan ng crossing ang nanay namin para makapagpatayo kami ng bistro...ay, carinderia pala. Pinagtulungan naming magkakapatid yung carinderia namin. Si ima ang tagapalengke, ang tatang namin ang chef, ako at yung kapatid ko ang assistant chefs, samantalang yung isa naming ate at kuya ang sellers. Malakas ang kita sa pagtinda ng pagkain. Kaya lang patay katawan mo sa pagod. Baka naman 'kala nyo sa carinderia ako natutong maging gourmet and gourmand...wrong again! Bale ang boss ko ang nag-expose sa kin sa different types of cuisine. Pinadala pa nga niya ko ng Thailand para makipag-exchange ng culture sa mga Thai people. Pero syempre, ibang kwento naman yon.

Balik tayo sa crossing,sa pagdaan ng panahon unti - unti naming nasaksihan ang pagbabagong bihis ng crossing. Nagkaroon ng gotohan si Mang Larry sa tabi ng mga barbekyuhan. Unti-unti ring napapalitan ang mga may-ari ng mga pwesto kasabay ng pagkukulong ng mga tindahan na parang ibig ipahiwatig na something private is hapenning inside. In other words, ang mga tindahan ay nagmistulang mga beer house na naiilawan ng pulang ilaw. Buti na lang, nagdesissyon ang ima namin na iwan yung lugar na yon. Wala na kasing magbabantay sa carinderia at mga propesyonal na kami ng mga kapatid ko.